Una sa Balita

Resulta ng drug test ng mga artista, pinagdududahan ng netizens!

By
0 3

Sunod-sunod ang mga artistang nagpapa-undergo ng drug testing. ‘Yun nga lang, kahit na negative ang resultang lumalabas, nakakaloka pa rin ang ilang netizens na nagha­hanap pa rin ng butas.

Nandiyan ang pag-negative naman daw kasi sa drug testing, merong ginagawa para hindi lumabas na posi­tive o kaya naman, after ilang days daw na last na mag-take, pwedeng negative na ang result.

Just the same, magandang example na rin ang mga artistang boluntaryo na rin na nagpapa-drug test para nga naman anumang hindi magandang kaisipan sa kanila o kung may pagdududa man ang ilan, hindi na nila kailangang magsalita pa at mag-explain, the result will speak na.

Bukod kina Jake Cuenca, James Reid, Anne Curtis, Baron Geisler at iba pa na nagpa-drug test, si Claudine Barretto na matagal na rin naiisyu na may kaugnayan dito ay nag-undergo na rin ng drug testing at puro negative raw ang resulta ng tests nito.

Gayundin ang isa sa cast ng Encantadia na si Solenn Heussaff ay nag-negative sa drug testing. Nagpa-drug test ito nooong September 6 sa Makati City at parehong negative ang resulta sa kanya sa Methamphetamine at tetrahydrocannabinol.

Dahil sa boluntaryong pagpapa-drug tests ng ilan sa mga artista ngayon, ‘di-malayong ma-challenge na rin ang iba na magpa-test.