Una sa Balita

Ressa tinawag na ‘bullshit’

0 652

SINUPALPAL ng award-winning journalist ang pahayag ni Rappler CEO Maria Ressa na masahol pa sa mga napuntahan niyang war zone ang sitwasyon ng pagtatrabaho niya sa Pilipinas.

Ginawa ni Ted McDonnell ang pahayag matapos ibida ni Ressa sa pana­yam ng 60 Minutes sa CBS na tatlong taon na umano niyang nararanasan ang mala-impiyernong kalagayan sa Pilipinas dahil sa mga natatanggap na banta sa kanyang buhay.

“This is far worse than any war zone that I’ve been in,” saad ng journalist. “I a war zone you know exactly where the threats are coming from. We’ve been living through three years of this kind of hell.”

Inungkat ni Ressa ang pagkakakulong sa kanya ng dalawang beses dahil sa paglabag sa foreign media ­ownership.

Hindi naman ito tinanggap ni McDonnell dahil nakapagtrabaho na rin aniya siya sa Pilipinas at mas ligtas pa umanong magtrabaho dito kaysa sa ilang lugar sa Estados Unidos.

“This is unadulterated #bullshit! I’ve worked in the #Philippines as a journalist\documentarian for past 5 years it’s safer than many places in the USA,” ayon sa photojournalist. Binalikan din ni McDonnell ang binunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumatanggap umano ng pera si Ressa mula sa Central Intelligence Agency.

“Did you ask Ressa why she accepts money by CIA funded NED? Her “facts” are false & what war zones has she been in?”

Marami naman ang sumang-ayon kay McDonnell, panig na hindi delikado mamuhay sa Pilipinas taliwas sa pinaparating ng Rappler CEO.

Sangkaterba na ang nakukuhang award ni McDonnell, kabilang na dito ang nasungkit niyang International Loupe Award for Photojournalism.

Lumabas ang kanyang mga lara­wan sa Paris Match, The Australian, Wall Street Journal, CNN, International Business Times, Australian Financial Review, The Guardian at iba pa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy