Una sa Balita

Ressa sagot ng US sa mga banat kay Duterte

By
0 1,252

MALAKAS umano ang loob ni Rappler Chief Executive Officer (CEO) Maria Ressa na magsinungaling at siraan ang administrasyon ni Pangu­long Rodrigo Duterte sa buong mundo dahil alam niyang protektado siya ng Amerika dahil sa kanyang pagi­ging US citizen.

Sa column sa Manila Times, sinabi ni dating Presidential spokesman at Press Secretary Wilfredo Tig­lao na hindi dapat pagtakhan ng publiko kung saan humuhugot si Ressa ng tapang at angas para akusahan si Pangulong Duterte na isa umanong diktador dahil batid niyang hindi siya pababayaan ng Amerika, na pinakamakapangyarihang bansa sa buong daigdig, sakaling resbakan siya ng pamahalaan dahil sa mga mapanirang artikulo sa Punong Ehe­kutibo.

US passport umano ang ginamit ni Ressa sa 350 beses niyang pagpasok at paglabas ng bansa sa nakalipas na 14 taon.
“No wonder Ressa has no qualms about lyin­g to the world that the Philippine president is a dictator and is attacking the press. She just isn’t a Filipino, in the deeper meaning of the term,” ani Tiglao.

Sakaling malitis at masentensyahan si Ressa na makulong dahil sa kasong cyber libel na isinampa laban sa kanya ng negosyanteng si Wilfredo Keng, sinabi ni Tiglao na madali itong makatakas at magtago sa Amerika.

Ibinunyag pa ng da­ting cabinet secretary noong panahon ni da­ting Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ay sadyang itinago ni Ressa ang kanyang US citizenship simula nang sumumpa siya at ang kanyang pamilya ng katapatan sa Estados Unidos nang mag-migrate sila dito noong 1973.

Nakakuha aniya ng dual citizenship si Ressa noong 2004 nang italaga siyang hepe ng news division ng ABS-CBN na kanyang pinamahalaan hanggang 2010. Ginamit rin umano ito ni Ressa upang makabili ng aria-arian sa bansa.
Dagdag ni Tiglao, ang pagiging US citizen ni Ressa ang dahilan kung bakit biglang nag-tweet ang US Embassy sa Pilipinas kasunod ng pag-aresto sa Rappler CEO noong Pebrero 13.

“We hope the charge against journalist and Rappler CEO Maria Ressa will be resolved quickly in accordance with relevant Philippine law and international standards of due process,” ang post na tweet ng US Embassy.

“The statement was not due to US concerns over a purported attack on the press, as Rappler implied. It was simply because Ressa is a US citizen, and US embassies are required to publicly express concern over a high-profile citizen being arrested and charged in local courts,” hirit naman ni Tiglao.

Kung nagtagal pa aniya ng mahigit sa isang araw sa kulungan si Ressa, standard ope­rating procedure (SOP) na sa US Embassy na bisitahin sa kanyang selda ang kanilang mamamayan.

Nakakadismaya lang umano kung bakit mas nakisimpatiya ang ilang opisyal ng pamahalaan pati na rin ang Simba­han at mga academic ins­titution sa isang American citizen kum­para sa mga tunay na mga makabayan na naglilingkod sa bayan tulad nina Justice Secretary Menardo Guevarra, na nag-utos na kasuhan si Ressa ng cyber libel at Judge Reinalda Estacio-Montesa na nagpalabas ng arrest warrant.

Si Guevarra ang de­puty executive secretary ni dating Pa­ngulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III samantalang eksperto naman sa larangan ng cybercrime si Estascio-Montesa na tanging naging kinatawan ng bansa sa Global Action on Cybercrime ng European Union.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy