Una sa Balita

Ressa ‘di nabasahan ng sakdal sa cyber libel

0 296

HINDI nabasahan ng sakdal kahapon si Rappler executive editor Maria Ressa at kapwa niya akusado sa kasong cyber libel matapos payagan sila ng korte na maghain ng motion for reconsideration na humihiling na ibasura ang nasabing kaso laban sa kanila.

Muling itinakda ni Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 46 Judge Rainelda Estacio-Montesa ang arraignment kina Ressa at da­ting reporter Reynaldo Santos Jr. sa Mayo 17.

Pinayagan ni Montessa ang kampo nina Ressa na maghain ng mosyon makaraang ibasura ng korte ang kahilingan nilang idismis ang kasong cyber libel laban sa kanila noong nakaraang linggo dahil sa kawalan ng merito.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng negos­yanteng si Wilfredo Keng na mapanirang-puri umano ang inilathalang artikulo ng Rappler laban sa kanya noong 2012. (Mia Billones)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy