Una sa Balita

Resorts World Manila bukas na uli

0 7

Pinayagan na ng Philippine Amusement and Ga­ming Corporation (PAGCOR) na muling magbukas ang gaming activities ng Travellers International Hotel Group, Inc. (TIHGI) na may business name na Resorts World Manila matapos ang masusing pag-aaral at deliberasyon sa kaso nito.

Ito ay epektibo simula kahapon kasunod ng compliance ng TIHGI sa mga kinakailangang security and safety improvements.

Kabilang dito ang pagkuha ng bagong security agency at mga eksperto para i-assess at paunlarin pa ang seguridad at security systems; dagdagan ang x-ray machines at metal detectors; doblehin ang itatalagang mga armadong guwardiya; pagrebyu at pagbutihin pa ang seguridad at security protocols para sa iba’t ibang emergency scenarios; pagdaos ng mga safety and security seminars para sa mga empleyado; pagkakaroon ng Fire Safety Inspection Certificate at pagkakaroon ng mga professional engineers para ma-assess sa structural integrity ng gusali nito.