Reso sa kaso ni Jee Ick Joo, itinulak

By

Idineklara na ng Department of Justice (DOJ) panel of prosecutors na submitted for resolution ang kaso kaugnay sa pagkamatay ng Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.

Ito ang pagtitiyak ng DOJ kung saan magpapalabas na ito ng resolusyon bago ang itinakdang deadline ng Angeles Regional Trial Court Branch 58 na Abril 19.

Ang deadline ng reinvestigation ay siya ring ­petsa para sa arraignment o pagbasa ng sakdal sa mga ­pangunahing akusado na si SPO3 Ricky Sta. Isabel, SPO4 Roy Villegas at Ramon Yalung.

Sa ginanap na pagdinig kahapon, hinintay na lamang ang counter-affidavit ni P/Supt. Allan Macapagal na mi­yembro ng PNP-AKG matapos itong ireklamo ng ­National Bureau of Investigation (NBI) ng obstruction of justice.

Ang reklamo laban kay Macapagal ay nag-ugat sa nangyaring raid sa Gream Funeral Services sa Caloocan City noong Enero 18, 2017 kung saan sinasabing nakita ang golf set na pag-aari ni Jee.


SHARE