Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Resign Duque ayaw patulan ng Palasyo

0 2,594

Ayaw makialam ng Malacañang sa lumalakas na panawagan para sa pagbibitiw o magbakasyon muna si Department of Health Secretary Francisco Duque III dahil sa mga kinakaharap na kontrobersiya kaugnay sa pangangasiwa sa COVID crisis.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na dapat idirekta ng mga tao kay Secretary Duque ang kanilang panawagan sa halip na ang Palasyo ang kalampagin.

“Yang mga panawagan sa kanyang pagbibitiw, panawagan sa kanya na mag-leave eh hindi po dapat sagutin yan ng Palasyo dahil yan ay nakadirekta kay Secretary Duque. Siya ang magdedesisyon diyan.Yan ay mga desisyon na personal,” ani Roque.

Nilinaw ni Roque ang naging pahayag niya patungkol sa kalihim na aniya ay sinagot lamang nito ang tanong hinggil sa panawagang mag-leave o mag-resign ito sa puwesto.

Malinaw naman aniya ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy itong nagtitiwala kay Secretary Duque.

Matatandaang sa mensahe sa bayan noong Lunes, sinabi ng Pangulo na hindi siya naniniwalang sangkot sa korapsiyon si Duque dahil mayaman ito at ang kanyang pamilya na nagmamay-ari ng hospital at paaralan sa Pangasinan.
(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.