Una sa Balita

Residente sa Itogon, Benguet inilikas

0 384

Inilikas ang mga residente sa 3 barangay sa bayan ng Itogon sa Benguet dahil na rin sa pananalasa ng bagyong Ambo.

Tinatayang isandaang pamilya na nakatira sa landslide prone areas na nagbakwit ang nasa evacuation center at multi-purpose hall na ngayon ng kanilang mga barangay.

Kaugnay nito’y mahigpit namang ipinatutupad ang social distancing bilang pag-iingat pa rin sa pagkalat ng COVID-19 kung saan nakahiwalay ang mga mga lalaki sa babae gayundin ang mga bata.

Itinaas ang signal no. 2 sa Benguet kung saan inaasahang 61 hanggang 120 kilometer per hour ang lakas ng hangin.

Taong 2018 nang masalanta ng bagyong Ompong ang Itogon kung saan higit 100 katao ang nasawi dahil sa landslide.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More