Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Reresbak sa Game 3: Ian ‘di ininda tama sa likod

0 277

NAUBUSAN ng oras ang Magnolia sa Game 2, hindi nakumpleto ang ahon mula 21-point down at isinuko ang 105-93 loss sa TNT.

Iwan sa 2-0 sa best-of-seven series ang Hotshots, babalik ng Don Honorio Ventura State U gym ngayong araw para subukang umiwas sa mas malalim na 0-3.

“Next game ulit, kailangan naming humanap ng way para manalo,” pakli si Ian Sangalang, ayaw pang sumurender.

Nananakit ang likod ni Sangalang at nalimitahan sa 10 minutes lang noong opener, pero naka-37 nitong Biyernes. Siya pa ang nagpasimula sa rally at binalikat ang Hotshots sa fourth quarter nang ma-fouled out ang partner na si Calvin Abueva sa kalagitnaan ng period.

Tumapos si Abueva ng 11 points at 11 rebounds, 3 of 12 lang sa field.

May iniinda rin sa kanang balikat si Paul Lee, inilaro at nakapag-ambag ng 12 markers pero 0 for 6 sa long range.

Halos sinolo ng 29-anyos na bigman ang rally nang idikit 90-86 bago naubusan.

Hindi napigil ng Magnolia ang firepower ng Tropang Giga na sa first quarter lang ay naka-40 points na at nagbaon ng PBA Finals first-half record na 13 3-pointers.

“Ang ganda ng field goal nila from 3-points, pumapasok talaga,” puna ni Sangalang sa 17 for 40 overall shooting ng TNT sa labas ng arc.

Nananakit pa ang likod ni Sangalang pero kailangang kumayod muli sa Game 3 para subukang makaisa.

“After ng game, du’n ko na lang poproblemahin ‘yung sakit,” dagdag niya. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.