Una sa Balita

Reporter tinakot ng lady solon

0 469

Sino raw itong mambabatas ang nanakot sa reporter ng ABS-CBN?
Sa report na nasagap ni Mang Teban, dumalo raw ang reporter sa isang event kung saan present ang babaeng mambabatas.

Noong paalis na ang reporter, nakasalubong niya ang lady solon at sinabihan siyang malapit nang mawalan ng trabaho.

Kahit nakangiti ang mambabatas, may halong pananakot umano ang binitawang kataga ng hitad.

Say naman ng ibang nakasaksi, nang-aasar lang ang mambabatas sa reporter.

Kilalang palakaibigan ang lady solon pero eksperto ito sa pananaksak nang patalikod.

Pintahan niyo na. Ang lady solon na nanakot ng reporter ay mula sa malayong lalawigan sa Luzon. May letrang M sa kanyang pangalan as in Mahadera!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy