Una sa Balita

Reporter natagpuang patay

By
0 2,355

Nagulat ang mga kasamahan sa media, nang mabalitaang sumakabilang buhay si Jeffrey Tiangco, isang batikang mamamahayag ng pahayagang People’s­ Journal.

Si Tiangco ay natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanyang tinitirahang dorm sa Rizal Public School Teachers Association (RPSTA) Bldg., sa Oranbo Drive, Brgy. Oranbo, Pasig City.

Batay sa report, dadalawin umano ni Marino Calibara, building administrator si Tiangco sa loob ng kanyang kuwarto bandang alas- 6:30 ng gabi noong Lunes subalit nakitang wala na itong buhay at nakita ang mga gamot na nakakalat sa sahig.

Agad na humingi ng tulong si Calibara sa PCP 10-Pasig Police at agad na dinala sa Dr. Bernard San Marcus sa Kapitolyo Barangay Emergency Unit ngunit dineklara na itong dead-on-arrival.