Una sa Balita

Reporter na si Ganiel, bagong Mutya ng Pilipinas!

By
0 16

Ang UAAP courtside reporter at Miss Manila 2016 runner up na si Ganiel Akrisha Krishnan ang top winner sa Mutya ng Pilipinas 2016 na ginanap noong Sabado sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Si Ganiel ang idineklara na Mutya ng Pilipinas Asia Pacific International, Mutya ng Pilipinas Tourism si Justine Mae San Jose, Mutya ng Pilipinas Overseas Communities si Michelle Thorlund, first runner up si  Lynette Bradford  at second runner up si Ashley Nicole Singh.

Nang makausap namin si Ganiel sa press presentation ng Mutya ng Pilipinas, sinabi niya na hindi siya umaasa na mananalo at kung sakaling hindi palarin, magpapahi­nga muna siya sa pagsali sa mga beauty contest para mag-focus sa kanyang pag-aaral.

Hindi mangyayari ang plano ni Ganiel dahil siya ang big winner ng Mutya ng Pilipinas 2016.

Anyway, heto ang message ni Ganiel sa kanyang Facebook account:

“This whole journey was tough but worth it! I cannot thank everyone enough for this victory. All the people who placed me in this position, I for sure won’t disappoint. To the organizers of Mutya ng Pilipinas, to all the sponsors, Kagandahang Flores, family, friends and to the FEU community, PCS Community, thank you so much for the unwavering support! I wouldn’t be here without all of you. I just couldn’t be more happy. In light of “Inner Beauty” (Haha!) As they say, no beauty shines brighter than a good heart.

This is your Mutya ng Pilipinas Asia Pacific International 2016.

To God be the glory!