Una sa Balita

Reporma solusyon sa transport crisis

0 229

UPANG masolusyunan ang kasalukuyang krisis sa transportasyon, dapat na magkaroon ng isang reporma na tiyak na susundin ng bawat Pilipino.

Isa sa mga reporma na isinusulong ni Senador Sherwin Gatchalian ay ang kanyang no parking, no garage bill, ang panukalang batas na magbibigay parusa sa mga vehicle owner na walang sariling paradahan.

“Isa sa reporma isa-suggest is ‘no parking, no garage’. Importante isang batas na mahigpit at magbibigay ng penalty na kapag wala kang paradahan magmumulta,” ayon kay Gatchalian.

Bukod dito, nais din ni Gatchalian na palawakin ang mga riles, ayusin ang jeep maging ang mga ruta nito.

Naniniwala si Gatcha­lian na kaakibat ng maa­yos na transportasyon ay ang pakikipagtulungan ng bawat isa sa reporma na ipatutupad.

“Palawakin ang riles, mass transportation, ayu­sin ang mga jeep at ruta, gawing mas efficient, mas malaki, para mas maraming masakyan,” sabi ni Win.
“Kung gusto nating maayos ang transportation natin makipagtulungan tayo sa reporma na ipapatupad,” aniya. (Lorraine Gamo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy