Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Reporma pa sa QCitizens iaarangkada

0 95

IBAYONG pagbabago, at maraming reporma para sa QCitizens ang pangakong binitiwan ni Quezon City Mayor-elect Joy Belmonte bilang pasasalamat sa iginawad sa kanyang pangalawang termino ng mga mamamayan ng lungsod.

Sa kanyang mensahe at pasasalamat, nangako si Belmonte na “mas pinaigting na serbisyo” ang gagawin ng pamahalaang lungsod. “Buong pagpapakumbaba po akong nagpapasalamat sa ating mga QCitizens sa pagbibigay muli ng tiwala at suporta sa ating nasimulang pagbabago,” pahayag ng Mayora.

Ayon sa alkalde, ang kanyang mga botong natamo ay “malinaw na patunay” na nararamdaman ng mga QCitizens ang mga programa at mga proyekto ng kanyang administrasyon sa nakalipas na tatlong taon.

“Senyales din ito na nais ninyong ipagpatuloy ang mga reporma at pamahalaan ang City Hall,” paliwanag pa nito.

Dagdag pa niya hihigitan nila ang mga nagawa na, sa tulong ng kanyang mga kasama sa partidong Serbisyo sa Bayan Party (SBP) sa pangunguna ni Vice Mayor Gian Sotto, mga Kongresista at mga Konsehal.

“Tinitiyak ko na sa aming pagtutulungan, kasama ang bawat QCitizens sa pag-unlad. At sa ating pagkakaisa, patuloy na aangat ang ating mahal na lungsod. Muli marami pong salamat sa tiwala” ang pagtatapos ni Belmonte.

Leave A Reply

Your email address will not be published.