Rep. Villarin kay Bongbong: Sino ang unpatriotic?

By

Hindi pinalagpas ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin ang komento ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos na unpatriotic ang video message ni Vice President Leni Robredo sa United Nation (UN) ukol sa anti-drug war ng gobyernong Duterte.

Sa panayam kay Villarin, sinabi nito na kung mayroon mang unpatrio­tic na naganap sa bansa ay ang pagnakawan ng isang pamilya ang mga Pilipino sa mahabang panahon, namuhay ang mga ito ng marangya at dedma lang.

“Unpatriotic is when one’s family steals money from the people, lavishes on it and pretends not­hing happened,” pasaring ni Villarin kay Marcos.

Hindi man direktang pinangalanan ni Vill­arin ang pamilyang tinutukoy nito, hindi naman lingid sa kaalaman ng sambayanang Filipino na i­naakusahan ang pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na nagnakaw sa mga Pilipino sa dalawang dekadang pamumuno nito sa bansa.

Tinataya ng marami na aabot sa $10 B­ilyon ang ninakaw umano ng mga Marcos sa gobyerno kung saan halos $4 Bilyon pa lamang ang nababawi ng Presidential Commission on Good Go­vernment (PCGG) simula noong 1987.

Sinabi ng mambabatas na kahit kailan ay hindi umano unpatriotic ang ginawa ni Robredo dahil nagsasabi lang aniya ito ng totoo sa isang komunidad kung saan kabilang ang Pilipinas o ang UN.

SHARE