Una sa Balita

Rep. Romero: PBA ‘di dapat makuntento

By
0 0

Inihayag ni Globalport owner at party-list Rep. Mikee Romero (1Pacman) na hindi dapat makuntento ang Philippine Basketball Association sa natamong tagum­pay sa Governors’ Cup Finals, nanawagan ito sa mga opisyales na palakasin ang web based platforms o electronic media para mas dumami ang tatangkilik sa nasabing liga.

“PBA has to be a habit again,” wika ni incoming league chairman Romero sa kanyang speech sa naganap na PBA Press Corps Awards Night noong Sabado sa Gloria Maris sa Gateway, Cubao.

Sa susunod na buwan na magiging chairman si Romero sa kanilang annual planning session ng Board of Governors sa South Korea.

Papalitan nito si San Miguel Beer Governor Robert Non.

“Mr. Non is a tough act to follow, so I hope I can also get the support of all team owners and their representatives,” saad ni Romero.

Umabot sa 22,528 ang nanood ng live sa Game 6 sa pagitan ng Ginebra at Meralco sa Smart Araneta Coliseum.

“We have to go high-tech, that’s the only way we can bring PBA back to the consciousness of every Filipino whether they are in the country or working abroad,” dagdag ni Romero.

“PBA games should be available to everybody because that’s also one way of promoting our country,” patungkol ni Romero sa mga PBA fans na nasa Taiwan.

Malaking bagay ang social media, mas madaling i-promote ang liga at mga exciting players, ayon kay Romero.