Una sa Balita

Reopening ng Boracay gawing big global event

By
0 2,121

HINIKAYAT ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang gobyerno na matapos ang anim na buwang rehabi­litasyon sa Boracay ay dapat na gawing mala­king global event ang muling pagbubukas nito.

Iginiit ni Recto na dapat ipatupad sa Boracay closure ang “one step backward, two steps forward strategy” o dapat magdobleng aksi­yon ang gobyerno para sa promosyon ng pagbubukas muli ng isla.

Binigyan-diin ni Recto na mahalaga ang closure upang maipahinga ang isla at mabawi ang ganda nito subalit dapat maipakita sa buong mundo ng muling pagbuhay nito.

“I think government should market the six-month closure as nee­ded beauty rest and that after 25 weeks, it will wake up more refreshed and rejuvenated,” saad ni Recto.

“Kahit naman mga sikat na hotel, museums, parks, kapag nag-undergo ng renovation, inaabangan ang muling pagbubukas,” dagdag pa ng senador.

Ang malaking hamon aniya sa communication team ng gobyerno ay ang malawakang promosyon ng isla upang makaakit ng mas maraming hotel at flight bookings.

Maaari anyang ga­mitin ng Department of Tourisma ng P1.15 billion advertising budget nito para sa 2018.

Dapat din anyang gamitin ng gobyerno ang creativity ng mga Pinoy at ang pagiging world’s heaviest social media users dahil sa kagalingan sa paggawa ng mga memes para sa promosyon ng Boracay.

“Ang gagaling na­ting gumawa ng memes. Gawin natin ‘yan para sa Boracay. Pero yung po­sitive, para maengganyo ang mga turista na bumalik pagkatapos ng anim na buwan na rehabilitasyon.

Tap the social media influencers. At kung sinuman ang mga commanders ng troll armies, masabihan sila na tumulong din,” giit pa ng mambabatas.

“Maraming pwedeng gawin. Teasers, countdowns. All the bells and whistles. Pati YouTube posts, which can attract millions of views. Ngunit ngayon pa lang, dapat gawin na ito,” dag­dag nito.

Maaari rin anyang ideklara ang 2019 bilang Visit Boracay Year.