Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Renner lumangoy ng swim record

0 82

ITINALA ni Miranda Renner ang bagong national record sa women’s 50m butterfly sa oras na 27.03 segundo matapos manguna sa heats ng event sa 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam.

Sinira niya ang dating marka ni Jasmine Alkhaldi (27.09 secs.) na nakarehistro noong 2019 Manila Games.

Si Renner, na nagdala sa Philippine swimming team sa unang medalya sa Hanoi na tanso sa women’s 100m freestyle, ay umabante sa finals ng 50m butterfly na nakatakda Martes ng gabi.

Nakapasok din ang beteranong Olympian na si Alkhaldi sa gold medal round nang tumapos siya sa ikalima sa heats na may 27.49 segundo. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.