Una sa Balita

Renda sa mga mining ops, tuloy pa rin

By
0 121

Tuloy pa rin ang paghihigpit sa mga mining companies ayon sa Mining Industry Coordinating Council (MICC) kahit out na sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) si Secretary Gina Lopez na ni-reject ng Commission on Appointments (CA).

Ayon kay Undersecretary Bayani Agabin, na siya ring nangangasiwa sa Domestic Finance Group ng kagawaran, responsibilidad ng MICC na busisiin at repasuhin ang naging pasya ng DENR sa panahon ni Lopez na ipasara, ikansela at patawan ng suspensiyon ang nasay 75 na mining firms na lumabas sa mining act.

Sinabi ni Agabi na kahit sino pa ang pumalit sa kalihim, tuloy-tuloy ang trabaho ng MICC na higpitan ang mga minahan upang mapangalagaan ang kalikasan at ang interes ng taumbayan.

Bagama’t malaki ang panghihinayang, maluwag umano nilang tatanggapin ang naging pasya ng CA na sipain sa puwesto si Lopez.

“We respect the judgment of the commission. It is their constitutional mandate so we have to accept it,” wika ni Agabin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy