Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Remittance ng mga OFW sumipa sa P453B

0 71

Sumipa sa $8.646 bilyon o P453 bilyon ang pinadalang pera ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa kanilang mga kamag-anak sa bansa noong first quarter ng taon, mas malaki ng 2.3% kumpara sa pinadala nakaraang first quarter ng 2021.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), $2.888 bilyon (P151 bilyon) ang pinadala ng mga OFWs noong Marso, mas malaki ng 3.1% sa pinadala noong Marso 2021.

Ayon sa BSP, mas lumago ang pinadala ng mga land-based workers na ang mga kontrata ay isang taon o higit pa. Noong Marso ay $2.195 bilyon ang pinadala nila sa mga kamag-anak sa bansa, mas malaki ng 3.7% kumpara sa pinadala nung Marso 2021, samantalang 1.4% lamang ang ikinalaki ng mga padala ng mga sea-based workers at mga OFW na ang kontrata ay wala pang isang taon na umabot lamang sa $625 bilyon.

Sabi ng BSP, ang paglago ng remittances ay nanggaling mula sa mga OFW na nagpapadala mula sa United States, Japan, Singapore, Taiwan at Saudi Arabia.

Sa US nanggagaling ang 41.5% ng mga remittances at mga OFW dito ang pinakamaraming ipinadala. Sumunod namn ang Singapore, Saudi Arabia, Japan, United Kingdom, United Arab Emirates, Canada, Taiwan, Qatar at Malaysia. Sa mga ito nanggagaling ang 79.1% ng mga remittance na dumadating sa bansa. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.