Una sa Balita

Relokasyon hirit ng mga residente sa itatayong Bulacan airport

0 242

SISIMULAN na ang pagtatayo ng diversified conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ng isang modernong airport na magi­ging susunod na main international gateway.

Nabatid na ini-award ng gobyerno sa SMC ang kontrata noong Agosto 14, para sa konstruksiyon ng New Manila International Airport sa Bulacan sa layuning mabawasan ang pagsisikip ng Ninoy Aquino International Airport.

Samantala, tiyak na magigising ang natutulog na 30 kilometro ng Metro Manila dahil sa transpormasyon nito bilang aerotropolis.

Ang naturang proyekto ay isasagawa ng SMC nang walang state subsidies o gua­rantees.

Inaasahan na papasok sa bagong airport ang trilyong dolyar sa ekonomiya kada taon.

Tiniyak naman ng SMC na ang mga ma­ngingisda na maapek­tuhan ng proyekto ay magkakaroon ng maa­yos na pabahay at may kapasidad pa na ma-improve ang kanilang livelihood.

Tiniyak rin na magkakaroon ng relokasyon ang mga maapektuhan na residente na nasa coastal barangays. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy