Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Relo, wedding ring ng tropa, ninenok

0 53

Arestado ang 18-anyos na lalaki matapos mabuking ang pagnanakaw ng mga alahas ng katropa, Sabado ng madaling araw sa Barangay Kalawaan, Pasig City.

Kinilala ni PCol. Roman Arugay, hepe ng Pasig CPS, ang suspek na si Stephen Abad y Umali, residente ng Pag-asa Compound, Brgy Kalawaan, Pasig City matapos ireklamo ni Justine Madayag, 20, ng Unit 3D, Mangga Ext., Brgy. Kalawaan, Pasig City.

Inaresto ang suspek alas-2:30 Sabado ng madaling araw matapos magreklamo si Madayag na pinagnakawan siya ni Abad.

Kuwento ni Abad, dumating siya ng bahay bandang alas-5:00 Biyernes ng hapon at nakita ang suspek na palabas ng kanyang kuwarto. Agad irong nag-check ng gamit sa loob ng kanyang aparador at doon niya nadiskubreng pinagnakawan siya ng kanyang kaibigan kaya nagreklamo sa Barangay Kalawaan at dinala sa Sub Station 4 para mahuli ang suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang wrist watch na Guess brand, isang gold wedding ring at stainless ring na umabot lahat sa halagang higit P22K.

Nakakulong ngayon ang suspek sa detention cell ng Sub Station 4 habang inihahanda ang kasong robbery. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.