Sec. Lorenzana sa China:

RELAX LANG!

By ,

Walang nakikitang dahilan ang kalihim ng Department of National Defense (DND) para sumiklab ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China kasunod ng atas ni Pangulong Rodrigo Duterte na okupahin at magtayo ng mga istruktura sa West Philippine Sea (WPS).

Diin ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, matagal nang bahagi ng teritoryo ng bansa ang mga isla sa Kalayaan group malapit sa Palawan at hindi kailangang maging problema kung sakaling magsagawa ng anumang aktibidad ang militar at gobyerno sa naturang mga lugar.

“I don’t think there is any cause for concern. Those islands have been in our possession since the 1980’s when then President (Ferdinand) Marcos declared the Kalayaan Island Group (KIG) as a municipality of Palawan,” ani Lorenzana.

Noon pa man ay hindi naman aniya nawala ang presensya ng Pilipinas sa nasabing bahagi ng WPS.

Nilinaw pa ng kalihim na ang iniutos ng Presidente ay ang pagtatayo ng mga pasilidad tulad ng matutuluyan, water at sewerage system, electricity, lighthouse, at santuwaryo para sa mga mangingisda.

Mula sa Malacañang, nilinaw naman ni Presidential spokesperson Ernesto Abella na, “He (Duterte) wants to develop what we have already occupied.”


SHARE