Una sa Balita

Relasyon sa Canada wasak sa basura – Palasyo

0 342

MABABALEWALA ang 70 taong diplomatic relations ng Pilipinas at Canada kapag hindi agad hinakot ang basurang itinapon sa bansa.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng malambot na tugon ng Canadian embassy sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipapasakay niya ng barko pabalik sa Canada ang itinapong basura ng mga ito sa Pilipinas.

Sinabi ni Panelo na hindi angkop ang tugon ng Canadian embassy sa matapang na pahayag ng Pangulo matapos maubos ang pasensiya sa pagbabalewala ng Canada na hakutin pabalik sa kanila ang itinapong basura sa bansa.

“The 70 years of diplomatic relations between the two countries will be put to naught if Canada will not act with dispatch and finality the resolution of this undiplomatic episode to which we take outrage,” ani Panelo.

Wala na aniyang dahilan pa para pag-usapan ang isyu dahil matagal na itong iginigiit sa Canada na kumilos para alisin ang kanilang itinapong basura sa bansa.

Nagbanta si Pangulong Duterte noong Martes na gigiyerahin niya ang Canada kapag hindi hinakot ang kanilang itinapong basura sa bansa at ipapasakay niya ito sa barko pabalik sa susunod na linggo, at ipapatapon niya sa harapan ng canadian embassy ang limang truck ng basura ng mga ito.(Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy