Una sa Balita

‘Relasyon’ kay Willie, itinanggi ni Ash

By
0 2

Natawa na lang si Ash Ortega nang i-link siya sa TV host na si Willie Revillame. Simula raw noong kunin siyang isa sa co-host ng Wowowin, meron na raw naririnig na mga tsismis si Ash tungkol sa kanilang ni Willie. Pero pinabulaanan ito ng 18-year-old Kapuso actress.

“Lahat naman kami very close kay Kuya Will. Bunso ang tawag nila sa akin, kasi ako raw ang pinaka-bagets sa show.
“Turing ko kay Kuya Will ay kuya talaga. Tawag din po sa akin ni Kuya Will ay bunso.

“He’s not just our kuya, but he’s also our tatay, our best friend. Lahat kami ay family sa mata ni Kuya Will,” sey ni Ash.

Minsan na raw nabanggit ni Ash kay Willie ang malisyosong pag-link sa kanila ng ilang netizens.
“Natawa lang si Kuya Will. Sabi pa niya, ‘Paano tayo mali-link, eh anak kita rito sa show. Lahat kayo anak ko. Hindi puwedeng gawin nilang issue ‘yon.’

“He advised me na huwag na lang pansinin ang mga iyon. Sabi ko naman na pinagtatawanan ko lang,” sey pa niya.

Malaki nga raw ang nagawa ng Wowowin sa career ni Ash na noon ay pasulput-sulpot lang sa mga teleserye ng GMA-7.

“It all started when I did the Jollibee commercial with Enrico Cuenca. Parang it changed a lot sa career ko. From just being an actress, nag-evolve ako to a TV host which I love doing every day kasi ang saya lang.

“But of course, I also love to act. Kaya happy ako na sinama ako sa Super Ma’am. I play a kikay student na walang interes mag-aral. Tapos magkakaroon ako ng crush sa math teacher namin played by Enrico.”

Kasama rin sina Ash at Enrico sa horror movie na The Spirit of the Glass 2: The Haunted na mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes.