Una sa Balita

Relasyon kay Jak na-confirm sa pinalipad na candle balloon ni Barbie sa Indiana!

By
0 9

Kinilig ang higit na isang million followers ni Barbie Forteza sa Instagram dahil sa pag-post niya ng kanyang isang wish nang magpalipad siya ng isang candle balloon kunsaan nakasulat ay “Monay at Pandesal Sana Magtagal”.

❤️❤️❤️

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on

Nagpalipad ng candle balloon si Barbie sa Renssalaer, Indiana, USA kunsaan ginaganap ang taunang Shine Festival.

Parang confirmation na ito ng Kapuso actress na sila na nga ng Pambansang Abs na si Jak Roberto.

Monay ang tawag ni Barbie sa kanyang sarili dahil sa kanyang bilugang mukha. Pandesal naman si Jak dahil sa mga abs nito.

Binaha ng maraming comments ang pinost na ito ni Barbie at sinagot pa niya ang isang comment ng aktres na si Joyce Ching.

Comment ni Joyce: “Tawang-tawa ako sa monay at pandesal pero mas tawang-tawa ako sa “Wag kang babagsak, sinasabi ko sa’yo!” May pagbabanta. Hahahaha!

Sagot naman ni Barbie: “Oo eh! Bad sign pag bumagsak buti nalang.

Noong magtapos ang teleserye na pinagsama­han nila Barbie at Jak na Meant To Be, kunsaan co-stars nila sina Ken Chan, Addy Raj at Ivan Dorschner, doon na lumabas ang balitang nanliligaw na ng totohanan si Jak kay Barbie.

Though walang confirmation mula sa dalawa kahit na ilang beses na silang nakikitang magkasama, ngayon lang kinumpirma ni Barbie ang lahat sa pamamagitan ng kanyang candle balloon.

Natuloy din ang planong US vacation ni Barbie na regalo niya para sa sarili noong mag-turn 20 years old siya noong nakaraang July 31.

Binisita rin niya ang kanyang sister na naka-base na sa Chicago, Illinois.

Nagkaroon ng belated birthday celebration si Barbie na ginanap sa Signature Room at the 95th sa Chicago.

Nag-post si Barbie ng photo niya na nakasima­ngot niya dahil imbes na “Forteza” ay “Sorteza” ang nakalagay sa kanyang special menu.

Caption ni Barbie: “In fairness bago to. Sorteza naman ngayon Fortaleza lagi ehhh.”

Nakarating na rin si Barbie sa New York City kunsaan nagpaka-tourist ito sa pag-post ng photos niya sa Statue of Liberty, Serendipity 3, United Nations, Grand Central Station, Times Square at Roc­kefeller Center.

Bago umalis si Barbie ay nakapag-shoot na ito ng ilang eksena para sa pelikula nila ni Ken Chan sa Regal Entertainment na This Time I’ll Be Sweeter.