Una sa Balita

Rekord sa pinakamalaking premyo sa lotto namumuro

By
0 559

KUNG walang tatama sa P727 milyon na estima­ted jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 draw kagabi, ­Martes, ang susunod na draw sa Biyernes ang ­maituturing na pinakamala­king premyo sa kasaysayan ng lotto sa bansa.

Ito’y dahil sa malalampasan na ang P741 mil­yong jackpot prize ng Mega Lotto 6/55 noong Nobyembre 2010 na tinamaan ng isang balikbayan mula sa Amerika.

Nagbakasyon lang noon sa bansa ang buong pamilya at habang nasa Subic Bay Freeport ay tumaya ang ama sa lotto outlet doon gamit ang lucky pick. Natumbok nito ang lumabas na numerong 11-16-42-47-31-37 na may kabuuang jackpot prize na P741,176,323.20.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), kung may mananalo sa P727 milyong estimated jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 draw kagabi, babawasan ito ng 20 porsyentong tax, alinsunod sa TRAIN Law.

“Automatic po na 20 percent ang less sa mapapanalunang jackpot prize na P727-M at makukuha ng winner o kung ilan man sila ay nasa P581.6-milyong piso ang paghahatian ng winner o kung ilan man silang masuwerteng mananalo,” ayon kay Bong Solmerin, deputy spokesman, Office of the Ge­neral Manager ng PCSO.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy