Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Reina ng Tahanan’ kokoronahan na

0 130

Matapos ang anim na buwan na kompetisyon, isang ina ang magbabago ang buhay sa Sabado (Nob.20) sa pagkorona ng “Reina ng Tahanan” sa kauna-unahang nitong grand winner sa ‘It’s Showtime’.

Naghihintay na lang ang pitong grand finalists na sina Diana Jade Salundaguit, Catrina Antonio, Analyn Salvador, Zenaida Villas, Lilia Aban, Yolly Magat, at Julianne Torres kung sino ang mananalo sa wildcard special ng contest na “Reina ng Tahanan: The Mommy Returns” at kokompleto sa listahan ng mga finalist.

Binigyan ng pagkakataong muli ang12 hindi malilimutang Reinanays na magpapakitang gilas para ma-impress ang choosegados na sina Amy Perez, Janice de Belen, Ruffa Gutierrez, at ang special guest nila na si Regine Velasquez.

Panoorin ang “It’sShowtime” mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.