Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Reimbursement puntirya ng sindikato! PhilHealth scam walang humpay

0 26

Ayaw pa ring paawat ang mga sindikatong sangkot sa “reimbursement scam” sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Dr. Shirley Domingo, spokesperson at vice president for Corporate Affairs ng PhilHealth na mayroon pa rin silang natatanggap na sumbong at mga reklamo kaugnay sa reimbursement scam.

Dahil dito aniya ay tuloy-tuloy ang pag-iimbestiga ng ahensiya para tuluyang masupil ang mga sindikatong gumagawa ng kalokohan para magkapera sa PhilHealth.

“Marami po tayong natatanggap na mga report na ganoon, so iniimbestigahan po natin ‘yon,” ani Dr. Domingo.

May mga kaso na aniyang iniimbestigahan ang kanilang legal department sa Central Office at maging sa regional offices kaugnay sa mga gumagawa ng reimbursement scam.

“Tuloy-tuloy ang pag-iimbestiga ng mga kaso or reports na ibinibigay sa atin ng ating legal sa central office and legal unit sa region,” dagdag ni Dr. Domingo.

Ang reimbursement scam ang isa sa mga naging kontrobersiya sa PhilHealth noong nakalipas na taon matapos mabunyag na kahit hindi COVID related ang mga ginagamot sa mga pagamutan ay ginagawang COVID-19 ang sakit para umano makakuha ng mas malaking claim sa PhilHealth. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.