Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rehabilitasyon sa mga adik pinondohan ng P1.8B

0 50

May inilaang P1.8 bilyon ang gobyerno sa susunod na taon para sa 22 public residential drug treatment and rehabilitation centers (TRCs) na pinatatakbo ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Anakalusugan Rep. Michael Defensor ang alokasyon ay kasama sa 5.024 trilyong 2022 National Expenditure Program.

Taon-taon ay mahigit 5,000 bagong drug adik umano ang pumapasok sa mga TRC hindi pa kasali ang mga ibinabalik at outpatient.

Ang mga gagastusang TRC sa susunod na taon ay ang Bicutan Rehabilitation Center (P193 milyon), Tagaytay Rehabilitation Center (P108.7M), Dagupan Rehabilitation Center (P98.4M), Argao, Cebu Rehabilitation Center (P84.8M), Cagayan de Oro Rehabilitation Center (P77.3M), Camarines Sur Rehabilitation Center (P74.1M), Central Luzon Centers for Health Development (P73.7M), Dulag, Leyte Rehabilitation Center (P73.2M), Malinao, Albay Rehabilitation Center (P69M), Bataan Rehabilitation Center (P68M at marami pang iba, (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.