Una sa Balita

Regulasyon sa sunog palakasin pa

By
0 291

PALAKASIN pa ayon kay Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ang mga fire safety regulation sa pamamagitan ng mandatory installation ng improved emergency lighting system sa lahat ng gusali at istraktura.

Sa kanyang Senate Bill 1825, nais ni Pimentel na palakihin ang size ng mga fire exit sign na dapat ay luminous, glow-in-the-dark material at may specific para sa mga emergency light.

“In many instances, the increased number of casualties during fire is due to people being unable to find the exits,” saad ni Pimentel.

Ipinapanukala rin ng senador ang pagkakaroon ng probisyon sa fire safety construction, protective at warning system hinggil sa pagkakabit ng emergency lighting system.

Nais ng mambabatas na amyendahan ang Section 7 (d) ng RA 9514 o “Revised Fire Code of the Philippines of 2008” na nagsasaad na dapat mayroong emergency lighting sa panahon ng power failure.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy