Una sa Balita

Regulasyon sa importasyon ng bakal kinakamada ng Kamara

0 332

TATRABAHUHIN ng Kamara na ­maipasa ang isang batas na rerenda sa ­importasyon ng bakal at iba pang ­produktong ­pang-konstruksyon.

Sa pamamagitan nito ay ­inaasahang masasawata ang talamak na ­smuggling at pagkalat ng walang kalidad na ­construction materials kabilang na ang mga bakal na naglalagay sa alanganin ng mga ­imprastraktura sa bansa sa ­nakalipas na 10 hanggang 12 taon.

“We hope to be able to introduce ­major reforms to regulations on ­importation, ­inspection and testing of steel products as well as other ­construction materials,” ani Agusan del Norte Rep. Lawrence ­Lemuel Fortun na naghain ng House Resolution (HR) No. 379.

Kamakailan ay inanunsyo ng ­Bureau of Customs (BoC) ang pagtugis sa mga nagpapalusot ng “undervalued” na bakal habang inihayag naman ni PACC Commissioner Manuelito Luna sa ­parallel inquiry ng ­ahensya sa ­pamumuno ni chairman Dante ­Jimenez ay nadiskubre na may ­ebidensya para madiin ang mga responsable sa diumano’y technical smuggling ng ­bilyun-bilyong mga bakal.

Binanggit ni Assistant Customs Commissioner Philip Vincent Maronilla na may apat hanggang limang kumpanya ng bakal ang isinasailalim sa audit ng BoC.

Samantala, si Davao City Rep. ­Isidro Ungab, na siyang chairman ng House committee on Appropriations ay ­nagbitaw ng babala sa mga contractor at homebuilder

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy