Una sa Balita

Regular LTO District Office sa Malabon City ganap nang batas

By
0 151

Tiyak na magagalak ang mga residente sa Mala­bon City, lalo na ang mga kumukuha at nagpapa-renew ng  driver’s license. 

Ito ay matapos na ma­ging ganap na batas ang panukalang gawin nang regu­lar ang Land Transportation Office (LTO) District Office ng Malabon City, na ngayon ay Caloocan District Office lamang ng LTO. 

Kahapon ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11063 na isinulong ni Ma­labon City Lone District Representative Federico ‘Ricky’ Sandoval. 

Sa ilalim ng RA 11063, mabibigyan ng maayos at epektibong serbisyo ang mamamayan ng Malabon sa mga kukuha ng student permit to drive application, magre-renew at kukuha ng driver’s license. 

Dati-rati ay nagtutu­ngo pa ng Caloocan ang mga taga-Malabon para sa driver’s license pero dahil sa pagpupursige ng mambabatas, hindi na sila pupunta pa sa malayo. 

Maging ang mga taga-Navotas na halos tulay lang ang pagitan para makara­ting sa Malabon City ay tiyak na magiginhawaan din sa batas na ginawa ni Sandoval.