Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Registration, paghahain ng kandidatura gawing online

0 31

Ngayong may pandemya, dapat ay payagan umano ng Commission on Elections (Comelec) ang online na pagrerehistro ng mga botante at paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa paparating na halalan.

Ayon kay Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, dapat payagang makapagrehistro online ang mga bago at dating botante na natanggal sa listahan dahil hindi na­kaboto sa dalawang magkasunod na halalan.

Punto ni Rodriguez malapit na ang deadline sa pagrerehistro na itinakda sa Setyembre 30 pero marami pa ang hindi nakakapagrehistro dahil hindi makapunta sa mga Comelec office.

Sa pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms noong nakaraang linggo, sinabi ng Comelec na hindi pa ito nagdedesisyon kaugnay ng online registration at online filing ng COC. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.