Una sa Balita

Regions 2, 4, 10 babahain ng proyekto — DPWH

By
0 146

Ipatutupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang flood-risk management project na nagkakahalaga ng P356 milyon para sa Cagayan River, Tagoloan River at Imus River (FRIMP-CTI) sa Regions 2, 10 at 4-A.

Sa ulat, sinabi ni DPWH Unified Project Management Office-Flood Control Management Cluster (UPMO-FCMC) Director Patrick B. Gatan na sini­mulan nang isaayos ang full-scale improvement works na binubuo ng structural at non-structural measures na kinakailangan para sa nasabing bahagi ng ilog na tinukoy ng Japan International Cooperation Agency (JICA) bilang prayoridad para sa flood-risk mitigation.

Base sa JICA-assisted study na pinamagatang “The Preparatory Study for Sector Loan on Disaster Risk Management in the Republic of the Philippines” tinukoy nito ang Cagayan River sa Tuguegarao City, Caga­yan at Tagoloan River sa Tagoloan, Misamis Oriental bilang priority river basins.

Aayusin din ang Imus River sa Barangay Anabu I-G at Barangay Buhay na Tubig sa Imus City, Cavite bilang isa sa pa­ngunahing ilog na isasaayos na flood-control projects.

Gayundin sa Cagayan River Basin, kung saan lalagyan ng revetments sa Alibago at Catanggaman, at Catanggaman Spur dike sa Tuguegarao City.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy