Una sa Balita

Regine wagas ang ngiti sa ‘paglipat’ sa ABS-CBN

0 15,668

Isa si Regine Velasquez-Alcasid sa mga celebrity-friend na nagpasaya sa regional staging ng Teacher Fest ng Gabay Guro sa Bataan province last weekend.

Ang inyong lingkod ang nagsilbing program host, kaya du­ring a number, sandali kaming tumatakbo sa backstage at holding area ng mga perfor­mers at nakikipagtsikahan.

Masayang kakulitan sina Christian Bautista at Jona na bentang-benta sa mga jokes nina Boobay at Regina lalo pa at ginawa nilang alalay si Atak hahaha! Kuwela ring kausap sina Jaya, Randy Santiago, Mark Bautista, Gabby Concepcion at si Regine nga.

Siyempre hindi namin pinalampas na itanong kay Songbird ang malakas na ugong na finally ay lilipat na umano ito sa ABS-CBN. Na kesyo may naka-ready nang show para dito, etc etc.

Hindi sumagot ang Asia’s Songbird at napaka-sweet na ngiti lang ang isinukli nito sa amin, habang pabalik-balik kami sa stage.

Pero ‘yung sweet na klase ng ngiti na feel naming maraming­ gustong sabihin. Hahahaha! Natapos ang event nang bitin kami sa tsismisan dahil on stage na namin ito next na nakausap at tungkol sa Gabay Guro siyempre ang tsikahan.

At siyempre very Regine ang kakikayan nito on stage na nakikipaglokohan sa audience at bumibirit ng wagas.

As we write this, may tsismis kaming nasagap na nagsimula­ na uli ng taping niya para sa GMA 7 si Regine kaya’t mapapabulaanan nito ang tsismis na may naganap na itong deal sa ABS-CBN.

 

KC, Pierre kasal aprub kay Gabby

 

Meanwhile, matipid na “good luck at okey iyan” naman ang nasabi ni Gabby Concepcion sa napapabalitang reunion movie nina Sharon Cuneta at Richard Gomez, with Kathryn Bernardo.

Sabay paling ng ulo nito at nag-thumbs up sign, sinabi nang wala pa ring kupas na matinee idol nung 80’s na masaya siya.

Pero mas masaya raw siya sa nararamdamang happiness ng anak nilang si KC na in love nga ulit sa ngayon.

“Like what I always say, ako na ang pinakamasayang tatay kung makikita kong sobrang saya at kuntento ng anak ko,” sabay sabing

“mukhang, sana nga,” sa usapang very soon ay baka sa kasalan mauwi ang relasyon ni KC sa bf niyang si Pierre.

 

Gabby mahigpit ang yakap kay ‘Sharon’

 

As expected at gaya ng previous stint ni Gabby­ sa Gabay Guro, siya itong merong pinaka-maraming­ cheers and applause mula sa audience.

Literal talaga siyang dinudumog at dina­damba ng mga tao, mapa-nanay o dalagang teachers, lola looking na principal o supervisor, lalaking teachers, mga beki sirs at mga bagets na da­laga na parte ng dance groups o performers ng said event.

And as usual, very giving, accommoda­ting at puno ng humor ang portion ni Gabby na everytime magtanong ng name sa mga yumayakap at humahalik na teachers­ at pakuwela siyang sasagutin ng “Sharon”, ay lalo niya itong niyayakap at i-aangat ang isang paa at isasampa ang hita nito sa kayakap hahahaha!

Bentang-benta si Gabby at witness kami kung paano niyang kinabog maging si Regine among the rest of the performers. Inabot nga ng halos 30 minutes ang portion niya dahil hindi talaga siya iniiwan ng mga teachers na that day ay umabot sa halos anim na libo ang bilang.