Una sa Balita

Regine, Vice show puno ng kaplastikan

0 780

Parte lamang ng pag-hype ng “Idol Philippines” ang mga drama nila sa ibang kalahok na merong “sob stories” o “paawa sa madla”.

Kitang-kita iyan sa na­ging audition ni Kier King, dating Ralf King noong una namin itong ma-interview after nitong maging champion sa “Popstar Kids” sa QTV, sister station ng GMA-7. At balita ngang nito lang taon ay kabilang pa ito sa grupong One Up ng GMA-7 na napapanood sa “Studio 7” at ibang GMA shows.

Kaya ‘yung “drama” niyang walang nangyari sa 12 years niyang pagsali-sali sa mga kontes ay isang malaking kaeklayan. Sobrang luma na kasi ‘yung anggulo ng kuwento niyang nag­lalatag sila ng karton sa sahig para lang mauna sa mga audition.

The fact na nag-champion na siya at lumalabas na sa mga TV shows, parang masyado nang paawa ang kuwento niya.

He is such a good looking man pa naman at napakaganda ng boses. Mas okey sana kung nagpapakatotoo na lang base sa recent development ng buhay niya, hindi ‘yung galing sa sobrang distant past na nagamit na niya sa ibang shows.

Ito namang “Idol Philippines” sakay naman nang sakay at gusto lang palutangin ‘yung mga anggulo ng back stories na nais nila para makahatak ng audience.

Shall we need to mention other “ar­tists” na produkto na rin ng ibang kontes at ngayo’y tila gusto nilang palabasing “first timers?”

Kaya nga bibiliban mo ‘yung arte ni Regine Velasquez-Alcasid na parang hindi niya kilala o nakita man lang itong dating GMA-7 artist.

Well, ask niyo na lang sina Vice Ganda, Moira at James Reid.

Jodi ayaw nang pag-usapan si Jolo

Irerespeto mo nga namang tunay si Jodi Sta. Maria sa kung paano nito hina-handle ang bagay-bagay, lalo na ang kanyang lovelife.

“Parang wala naman ako sa posisyon na sumagot dahil alam naman ng lahat na wala na kami,” simpleng tugon nito sa sinasabing happiness ngayon ni Jolo Revilla, na balita pang nag-propose na sa kanyang girlfriend.

Sobrang busy ngayon ni Jodi dahil bukod sa kanyang mga TV assignment ay ipapalabas na rin ang “Man and Wife” movie kapareha si Gabby Concepcion, pursigido pa rin pala itong tapusin ang pag-aaral ng psycho­logy, lalo pa’t nasa last semester na ito.

Pinag-aaralan na rin ni Jodi ang pag-put up ng therapy clinic dahil dream niyang maging rehabilitation specialist. In fact, kahit namamalat na siya dahil sa sunod-sunod niyang trabaho, iniisip pa rin ni Jodi na after this last semester ng kolehiyo niya ay ituloy ang pagkuha niya ng Master’s Deg­ree.

Ang nakakatuwa pa rito, at this point ay may simpleng “therapy” na siyang ginagawa sa mga close friends niya para ma-relax at matulungan ang mga ito sa kanilang anxieties o near depression state. Soon daw ay mama-master niya ito at baka gawin ding propesyon soon.

No wonder, napakaganda ng kanyang aura at mas mukha siyang bagets ngayon kumpara sa dati.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy