Una sa Balita

Regine umamin sa katangahan, nagkapasa ang ilong

0 526

Kaaliw mag-post si Regine Velasquez. Ang mga medyo delikadong bagay, nagagawa niyang pagaanin. At hindi siya nahihiyang paglaruan ang kanyang sarili.

Katunayan, sa latest Instagram post niya, tinawag niyang tanga ang sarili, ha!

“May katangahan akong ginagawa! I was recording some stuff for ASAP. Pagkatapos ko, tinanggal ko na yung headset sa pagmamadali ko the headset hit the bridge of my nose. Tapos when I was fixing my make up parang napansin ko may parang maitin sa nose ko kala ko naman napasobra lang nose line ko. But when I touched it masakit pasa na pala.

“I didn’t even realized na malakas pala yung pagkahampas nung headset. Tapos paggising ko ayan na sya gandara.

“Apparently magaling akong dancer medyo may pagka-tanga lang. Ingat-ingat din guys wag tularan ang dancer na ito. By the way maitim din pala yung mata ko hindi naman kasali sa aksidente yan ang tawag dyan ay bonggang-bonggang eyebags #eyelashfordays #lalang,” sey ni Regine.

Hindi pa riyan natapos, dahil may panibago na naman siyang eksena sa mukha niya.

“Hay ito pa, isa may pa-photo shoot ako bukas tapos biglang nag-decide ng pimple na to na magpakitang gilas today, eh ang laki papigsa na! Nakakaloka! Buti na lang may @belobeauty talaga pina-inject ko na. Napansin ko lang na kahit may pasa may eyebags at pimple eh phak na phak naman ang kilay ko, di ba and #eyelashforday thank you #Che.”

Oh, ‘di ba? Hahahahaha! (Dondon Sermino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More