Una sa Balita

Regine umalma, bumanat sa fan

0 823

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyNag-react at pina­ngaralan ni Regine Velasquez-Alcasid ang isa niyang follower sa Twitter nang sabihan siya nitong “how dare you”.

Isang may Twitter account handler na @isshehername ang nag-tweet ng nararamdaman niyang disgusto sa pagpapaka-humble ni Regine sa kanyang stature.

Base sa kanyang mensahe, isa siyang avid supporter ng tinaguriang “Asia’s Songbird.”

Saad nito sa kanyang mensahe, “I’m just Regine Velasquez” how dare you disrespect your whole disconography! YOUR NOT ‘JUST’ ‘YOUR ARE REGINE LEGEND VELASQUEZ’!! @reginevalcasid. YOU ARE THE FCKNG SONGBIRD.

“I know that you’re ­just being humble. But queen don’t ever say that. Mygaad I’m so emo. ILYSM.”
Dahil naka-tag sa account name ni Regine ang komento, kaya nakarating ito sa Kapamilya star at nabasa nito ang mensahe.

‘Yun nga lang, kahit obvious ang pagiging fan ng follower, hindi nagustuhan ni Regine ang tweet nito.
@reginevalcasid, “Well, it’s ok for me to say that because its me. I am very aware of what I have accomplished as an artist but still there is NO reason for me to boast.”

Nakiusap si Regine na huwag siyang ga­mitan ng “how dare you” kasunod ng pa­ngaral nito na nagsasabing mas matanda siya kaysa sa follower niya.

“Please do not say how dare you to me as if (I’m) a 2 year old kid. My whole career is probably older than you.”
Hindi na sumagot pa ang follower na natameme sa mensahe sa kanya ng kanyang idol.

***

Sharon todo papuri kay Kathryn

Dumadami ang gustong ampunin ni Sharon na mga younger star, at wini-wish nitong sana ay naging isa sa mga anak na lang niya ito.

Ang tinutukoy namin ay si Kathryn Bernardo na co-star ni Sharon kasama si Richard Gomez para sa pelikulang “Three Words to Forever.”

Nagposte ng ­kanyang selfie video si Sharon na makikita ring kinukunan nya si Kathryn.
Tinawag ni Sharon si Kathryn na “the love of my life” ang young actress habang naka-focus ang kamera nito sa huli.

Sa video message ng megastar, pinuri nito ang mga cha­racteristic ni Kathryn, kasabay ng pagkukuwento niya.

“Okey, I have to say, it’s so easy to love this girl. That’s true. She’s so real. What you see is what you get. I’m not the only person na magsasabi non.

“When Star Cinema and ABS told me I was gonna work with her. Sabi ko, mabait ba? Kasi usually pag bata nakakatakot di mo alam kung malaki na ang ulo.

“But Kath..I have to say i wish you were one of my daughters. She’s so sweet. Your Mom is so blessed to have you. Daniel is so blessed to have you… you’re so blessed to have Daniel.”

‘Di pa nakuntento si Sharon sa mga pa­puri niya kay Kathryn. Idinaan niya pa ito sa video caption na sinulat niya.
reallysharoncuneta, “So easy to love this girl and I really do now. Sad that the shooting is almost over and I won’t be seeing her often na. 🙁 But thank God he gave us this opportunity to work together! Sana with Kathniel naman sa susunod Inang and Tita Malou!!!” banggit sa dalawang head ng Star Cinema Inc. na sina Olive Lamasan at Ms. Malou Santos.