Una sa Balita

Regine, todo-emote sa pagtatapos ng ‘Poor…’!

By ,
0 10

Nag-emote sa kanyang Instagram account si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid dahil nag-last taping day na ang kanyang pinagbibidahan na primetime teleserye sa GMA-7 na Poor Señorita.

Mami-miss nga raw ni Regine ang lahat ng taong involve sa teleserye, lalo na ang kanyang co-stars, director at ang buong production staff na sobrang sipag kahit na nagtatrabaho sila sa sobrang kainitan ng panahon.

Ang Poor Señorita ang naging pagbabalik ni Regine sa paggawa ng teleserye after more than five years.

Kaya nagulat na lang si Regine noong dumating na ang last taping day nila. Para lang daw kelan lang ay nagsimula silang mag-taping.

Heto ang pinost ni Regine: “We are officially done with taping.

“Salamat sa lahat ng nakatrabaho ko mula sa aking direktor sa staff at sa crew, specially sa mga artistang naging bahagi ng #poorseñorita.

“I had so much fun working with you guys. Medyo nahirapan tayong lahat dahil sa init pero naging masaya pa rin tayo.

“Thank you so much to all the writers salamat sa napaka gandang story, isa si Rita sa mga hindi ko malilimutang character na ginampanan ko.

“Thank you to GMA , Salamat sa aking mga boss sa pagbibigay ng magandang project sa akin.

“Higit sa lahat Maraming Salamat po sa pagsubabay ninyo sa makulay na buhay ni Rita sana po patuloy nyo pa kaming subaybayan mamimiss ko ang aking mga anak, for now im back being mommy to Nate and wife to my husband.

“Hangang sa susunod na adventure po!!!!! To GOD be the Glory.”

Snooky, Jaya, Gladys, naka-LV, Gucci kay Regine!

Samantala, sobrang happy naman ng mga co-stars ni Regine sa Poor Señorita, dahil nagpaka-generous at sobrang pabolosa nga ni Songbird sa kanila, sa huling taping nila. Aba, mga mamahaling bag na Gucci, Louis Vuitton, ang pi­namigay niya kina Sheena Halili, Jaya, Snooky Serna at Gladys Reyes, ha!

snooky-serna
Snooky Serna

Anyway, sa Poor Señorita ngayong gabi, nagpapatalbugan sina Edison (Elyson de Dios) at Isko (Ralph Noriega) para makuha ang pag-ibig ni Kyla (Ayra Mariano). Na sinamantala naman ng mga batang sina Rambo (Zymic Jaranilla) at Apol (Miggs Cauderno), na talagang pinaglalaban nila ang dalawa, para makakuha sila ng libreng pagkain.

Si Charisse (Jillian Ward) naman ay mu­ling nahimatay. At tinulungan siya ni Lydia (Gladys Reyes).

Sina Tero, Castor and Jordan naman ay nag-iinuman. Ayaw sumama sa kanila ni Paeng dahil kailangan daw niyang tulungan si Rita na hanapin si Charisse. Sinabihan siya ni Tero na itigil ang pag-ilusyon na dyowa siya ni Rita. Magkaiba nga raw ang mundo nila at na-realized ‘yon ni Paeng.

Meanwhile, bumalik na rin ang alaala ni Charisse habang pinapakain siya ni Lydia. At mari-reveal na rin na si Lydia ay nanay nina Kyla, Charisse at Rambo.

Pero, hindi maalala ni Lydia ang lahat, dahil sa post-traumatic stress disorder. Kumanta si Charisse at biglang naalala ni Lydia ang lahat.

Nagdesisyon naman si Paeng na magpunta ng Dubai para magtrabaho. Pigilan kaya siya ni Rita? Abangan!