Una sa Balita

Regine suportado ang paglaladlad ni Mark

By
0 2,944

Ang showbiz pa rin talaga ang sa tingin ng marami na pinakamadaling daan para yumaman. At kitang-kita ‘yan sa audition na ginanap sa SM Skydome ng The Clash, ang bagong singing contest ng GMA 7, na ginanap last Saturday (March 17).

Si Regine Velasquez-Alcasid ang host ng singing­ contest na ito, na kakaiba ang konsepto. At sa tuwing may audition, bagama’t hindi siya sumasalang bilang screening committee, nagpapasaya naman siya ng mga fan, at nagsisilbing inspiras­yon sa kanila.

Sa Skydome nga ay dalawang kanta ang ipinari­nig ni Regine sa mga fan. At yes, tila mas ginanahan ang mga nag-a-audition, dahil after nga na kumanta si Regine, puro bonggang kanta na ang narinig namin, na tila nakipagpaligsahan sa taas ng boses ng misis ni Ogie Alcasid.

Sabi nga namin, basta singing contest, si Regine pa rin talaga ang peg ng mga sumasali. Kahit itanong niyo kina Angeline Quinto, Morisette Amon, Jona Viray, at marami pang iba.

“Dahil ba matanda na ako? Hahahaha! Dahil ba ako na lang ang natitira na nakilala bilang kontesera? Well, siguro ganu’n talaga, dahil nu’ng time naman namin, ang peg namin ay si Dulce,” sey ni Regine.

Nagpapasalamat na lang si Regine, na sa tinata­gal-tagal niya sa showbiz, bongga pa rin ang career niya. Nabibigyan pa rin siya ng ganitong klase ng show na siya ang host, at nakakapag-concert pa rin siya ng magkasunod na gabi, na puno naman ng mga tao.

Siyanga pala, happy lang si Regine sa ginawang paglaladlad ni Mark Bautista. Si Mark ay nasubaybayan ni Regine bilang contestant noon sa singing contest na siya rin ang host, at nakasama niya ito sa maraming shows noon.
At hindi nga raw gumana kay Mark ang gay-dar­ niya. Wala raw siyang naramdaman noon.

“Ang importante ay happy siya,” sabi na lang ni Regine.

Ang mga juror nga pala ng The Clash ay sina Lani Misalucha, Christian Bautista, at Ai-Ai delas Alas. (Dondo­n Sermino)