Una sa Balita

Regine, Sharon magsasama sa movie

0 383

Masaya ang Vision 2020 presscon/announcement ng Viva Films noong isang gabi.

Doon ay in-announce na 34 movies ang iri-release nila ngayong 2020.

Ang bongga dahil one billion pesos daw ang budget ng production company ni Boss Vic del Rosario!

Sa mga tarpaulin na nakita ko, may pelikulang pagsasamahan ang Megastar na si Sharon Cuneta at Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid. Anyway, marami sa mga artista ng Viva ang um-attend sa event kasama na si Janno Gibbs na ilang pelikula ang naka-line-up kasama na ang solo starrer niya na “Mang Jose”.

Nang makita ako ni Janno, lumapit at bumati siya sa akin kasama ng handler niyang si Mhit Pimentel. Biniro ko si Janno.

“Puring-puri ka ni Mhit, hindi mo raw pinasasakit ang ulo niya. Hindi ka na masyadong late, mga 30 minutes na lang. Hehehe,” sabi ko at natawa si Janno.

“Malaking improvement na. Hahaha!” natatawang sabi niya.

Noon kasi, palaging issue kay Janno ang pagiging late. Ang palaging sumasalo sa mga part niya sa mga production number na kasama siya ay si Ogie Alcasid.

Palagi ngang biruan noon na hindi nagising si Janno, kaya late o kaya naman ay hindi talaga siya sumisipot. Pero ngayong nasa pangangalaga na nga siya ng Viva Artists Agency, ang bongga lang na malaki na talaga ang ipinagbago ni Janno. Puwedeng sabihing professional na ang mister ni Bing Loyzaga, huh!

Sa itsura rin ni Janno, mukhang naka-recover na talaga siya sa sinasabing naging depression niya noong araw!

KimXi fan super aktibo sa socmed

Nakatsikahan ko rin si Xian Lim sa nasabing event. Siyempre, isa rin siya sa napakaraming movies na naka-line-up sa Viva Films ngayong 2020.

Isu-showing na nga ang “Untrue” nila ni Cristine Reyes na kinunan pa sa Georgia (in Europe) at may movie rin sila ni Alex Gonzaga at marami pa siyang naka-line-up na iba pa.

Ang bongga rin ng movie career ni Xian sa Viva, huh!

Sila naman ng real and reel girlfriend niya na si Kim Chiu, may afternoon series naman sa ABS-CBN. Sabi ko kay Xian, ang sipag ng mga fan ng KimXi dahil kapag may naisulat tungkol sa kanila, kalat kaagad sa social media.

“Hindi sila nagsasawa, kaya thankful kami,” sabi ni Xian.

In fairness to Xian nga pala, sobrang improved na ng kanyang PR at talagang siya na ‘yung unang bumabati sa mga kakilala niya sa entertainment press!

Marco Gallo ayaw nang tumira sa Italy

Nasa pangangalaga na rin ng Viva Artists Agency si Marco Gallo, ang dating ka-love team ni Kisses Delavin. Nang makatsikahan ko si Marco, biniro ko siya na baka katulad noong nasa ABS-CBN siya ay bigla na lang siyang mag-decide na iwanan ang showbiz career niya at bumalik sa Milan, Italy?

“Not anymore,” sabi niya at lahat na raw ng mga gamit niya sa Milan ay dinala na niya rito.

Seryosong-seryoso na nga raw siya ngayon sa kanyang showbiz career dito sa Philippines.

Malamang, kung babalik daw siya sa Milan ay for vacation lang at kapag wala siyang ginagawa dito.

Pero sa Vision 2020 ng Viva, marami ring naka-line-up na projects si Marco.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More