Una sa Balita

Regine, Sarah, Gary, Martin hinanap sa SEA Games

0 489

Nakaka-proud maging Pilipino after watching the spectacular opening of the SEA Games 2019 na punong-puno ang buong Philippine Arena sa Bulacan.

Napakaganda at maayos ang production at sumasaludo kami sa mga taong nasa likod ng very successful opening. Maski sa mga Pinoy sa ibang bansa na nakapanood nito ay maluluha sa napanood nila.

Maski ang ating Pangulo ay napaindak habang kinakanta ang famous Hotdog song na “Manila”.

Sana lang sama-sama ang lahat ng mga singer regardless of network affiliation although may ilang galing sa Kapuso network.

Marami ang naghahanap sa mga bigatin naging singer, the likes of Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Gary Valenciano, Sarah Geronimo, Basil Valdez, Dulce, at marami pang iba.

Sayang at magandang pagkakataon ito na maipa­kita ang mga magagaling at world class singers. Kung panahon lamang ito ni Mrs. Imelda Marcos ay sobrang engrande at world class presentation ‘yan.

Na-witness ko noong unang idinaos dito ang Miss Universe with Bagong Anyo showcasing the local fashion noon. Talbog kayong lahat.

Marian, Dingdong halinhinan
sa pag-aalaga kina Zia, Ziggy

Finally ay balik teleserye na si Marian Rivera with Gabby Concepcion na malamang early next year na ilabas, in time sa mga bagong teleserye ng GMA.

Mas maganda ito at sa tingin ko ay light comedy lang ang tema at hindi mabigat para kay Marian.

Siyempre, halinhinan sina Marian at Dingdong Dantes sa pag-aalaga sa mga anak nila. ‘Di ba sabi ni Marian na kapag may trabaho si Dingdong ay siya ang maiiwan sa bahay para bantayan ang mga anak?

At siguro naman ay naayos na nila ang schedule nila na magkaiba sila ng taping schedule. Time management lang naman ‘yan.

At saka mawawala na naman ang “Sunday Pinasaya” kaya maluwag na si Marian.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More