Una sa Balita

Regine puro Kapamilya singer ang kasama sa concert

TNT Boys, Aegis mabagsik ang showdown

By
0 1,961

Ang bongga lang na puro Kapa­milya artist, singer ang makakasama ni Regine Velasquez-Alcasid sa concert sa Araneta, ha! Una nga riyan ang TNT Boys sa listahan ng mga batikang artist na yayanig sa Araneta.

Pero, hindi naman si Regine ang main artist, dahil pareho rin siya ng ibang Kapamilya singer na guest sa concert na ito ng ‘AEGIS: Doble Dekada, Ang Soundtrack ng Buhay Mo,’ na ika-20 taon anniversary concert ng powerhouse Pinoy 90s band na Aegis.

Kaabang-abang nga ang showdown ng mga batang biriterong trio na sina Francis Concepcion, Mackie Empuerto, at Kiefer Sanchez o mas kilala bilang TNT Boys. Balik higanteng entablado ang ‘Bigshot Trio’ matapos mag-perform sa international show na ‘Little Bigshots’ sa UK at USA.

At ano pa nga ba ang gagawin ni Regine? Siyempre, isang pasabog na showdown ang magaganap sa paghaharap ng Asia’s songbird at ng Aegis.

Nauna nang naipakilala ang ibang guest sa concert na sina Anne Curtis, Jericho Rosales, Karla Estrada, Jett Pangan, at Vice Ganda.

Para sa detalye, tawag lang sa ABS-CBN Events at 413-1222/0915-036-9464 or Ticketnet at 911-5555. ()

 

‘Hindi na kami bagay’
Andi single ulit, pero walang planong makipagbalikan kay Jake

Ibang-iba na ang aura ngayon ni Andi Eigenmann. Mas masarap na siyang kausap ngayon, at mas maaliwalas na ang kanyang mukha.

Malayo na nga si Andi sa personalidad niya noon na kapag ini-interview, parang parating nakakunot ang noo, o nakasimangot, at madalas ay nangangapa ng mga isasagot sa mga taong sa kanya.

Ang dagat, ang pagsu-surf nga raw ang naging dahilan kung bakit biglang-bigla ay naging kalmado ang buhay niya.

“It took a while for me to realized that, kung ano ang gusto ko. Now na nahanap ko na ang gusto ko, sobrang happy ako.

“Gusto ko talaga na maging ordinary person. Ang mga luho, it’s not for me. For me the idea of success, ay ang maging happy pa, enjoying ang nature with my daughter.

“Dati kasi sa dami ng mga pinagdaanan ko, lahat ‘yon nag-contribute sa pagiging sad ko, depressed, and now masaya na ako. I found a place na feeling ko doon talaga ako.

“Pero hindi naman ako mawawala sa showbiz. Ang akting kasi, gusto ko pa rin, I’m passionate about it. Of course gagawa pa rin ako ng movies. Pero, ang life ko, doon na talaga.

“I love to surf, simple lang talaga kami sa Baler. We just go there to surf. Then, I met people from Baler, na naging friends ko, naging family ko na rin. May mga ampon akong mga bata roon na nakakasama ko.

“Ordinaryong tao lang ako roon, namamalengke, nagluluto. Ang mga tao roon, nung una nagugulat sila, ngayon nasanay na sila. Kapag may nagpa-picture sa akin, alam ko na mga turista yon.

“Siguro noon, hindi lang ako nagkaroon ng proper, o mali ang way ko kung paano ako nakilala ng mga tao noon. Pero, simple person lang talaga ako, I love the beach, gusto ko ang surf.

“It’s always to nice be with people na katulad ko,” sabi ni Andi nang makachikahan ko sa premiere night ng The Maid In London.

Ibinenta nga ni Andi ang lahat ng mamahaling gamit niya, mula kotse, bags, sapatos. Katunayan, kapag nasa Manila raw siya, hirap na hirap siyang mag-commute.

Kunsabagay, mas madalas na nga siya na nasa Baler.

“Sa Baler, or Siargao ako. Doon na talaga ako titira. Simple lang ang bahay ko sa Baler.”

May ka-surf ba ang puso niya sa Baler kaya nag-i-enjoy siya roon?

“Wala eh. I’m happy na single ako,” sey niya.

Hiwalay na nga raw sila ni Emilio, na madalas niyang kasama sa pagsi-surf.

“My ex-boyfriend and I are really, really good friends. Wala kaming problema ni Emilio. Never kaming nag-away. Sa ngayon lang medyo mahirap to be together. Pero, hindi kami yung galit sa isa’t isa.

“Magkaibigan kami, mahal na mahal ko pa rin siya. And I’m sure ganun din siya sa akin, he still cares for me. We still hang out and surf together.”

Okey na rin ang relasyon nila ni Jake Ejercito, ang tatay ni Ellie.

“Ah, si Jake, he is a good father. Jake and I are good friends, or civil kami. Mabait siya sa anak ko at mahal na mahal niya ang anak ko.”

Super kalmado ka na ngayon, ha!

“Yeah, ang dami kong isyu noon. Puno ng problema. Because I wasn’t happy, I was young. Hindi kasi ako yon. So now gusto ko ang sarili ko. I love my life there. It’s the reason why ganito ako ka-happy ngayon.”

So, may chance ba na magkabalikan kayo ni Jake?

“I know that a lot people, marami talaga ang may gusto na magkabalikan kami. But that’s definitely not going to happen ever. I’m a different person now, hindi na kami bagay.

“Also, hindi siya nagsi-surf. Dapat mag-surf muna siya. Dapat mas magaling siya sa akin mag-surf. Ayoko nung ako pa ang magtutulak-tulak sa kanya. Pero, hindi na talaga kami bagay!” say ni Andi.

Siyanga pala, napanood ko ang The Maid In London, at kahit medyo matagal na rin na hindi nakikitang umaakting si Andi, hindi pa rin talaga nawawala ang husay niya, lalo na sa mga eksenang iyakan.

Mababaw pa rin ang mga luha niya, at pang-showbiz pa rin ang kagandahan niya. “Marami ang makaka-relate sa movie. Tungkol ito sa karanasan ng mga OFW, na nagpapakahirap na magtrabaho sa ibang bansa, na ang iba ay tago nang tago, pero natitiis nila alang-ala sa pamilya nila.

“So, sana panoorin ng lahat para makita nila ang sakripisyo ng mga OFW natin,” sey na lang ni Andi. (Dondon Sermino)