Una sa Balita

Regine pumayag na maging nanay ni Jodi

0 513

Kung tutuusin, halos 12 years lang ang pagitan ng edad nina Regine Velasquez at Jodi Sta. Maria. Na si Regine nga raw ay 49 years old na, habang 37 naman si Jodi.

‘Yan ang sabi ng Wikipedia, ha!

So, puwede pang tumanggi si Regine na gumanap bilang nanay ni Jodi sa harap ng kamera. Pero, hindi nga ‘yon ginawa ni Songbird.

Dahil sa latest digital serye ni Jodi, kasama sina Ian Veneracion at Zanjoe Marudo, na mapapanood sa iWant, gaganap ngang nanay ni Jodi si Regine. Ay, nanay ba o nanay-nanayan lang?

Anyway, sa kuwento kasi ng My Single Lady, avid fan si Jodi ni Regine. Na namana niya sa ‘nanay’ na gagampanan nga ni Regine.

Impersonator nga ang role ni Regine, na ang ini-impersonate niya ay ang sarili niya mismo. Malinaw ba?

Anyway, hindi naman daw nahirapan sina Jodi na kunin ang serbisyo ni Regine. Si Jodi ay prodyuser rin ng My Single Lady.

Naloka lang daw sa simula si Regine, na bakit siya mismo ang ginawang ‘idol’ sa digital serye, eh, marami naman daw ibang singer. Pero oo nga kasi, pagdating sa mga singer, si Regine kasi talaga ang icon, lalo na ng mga bading.

At ‘yun na nga, kahit super siksik ang schedule ni Regine, humanap, o gumawa siya ng paraan para makapag-shooting­ kina Jodi. Kaya sobrang­ saya nga ni Jodi na napapayag nila si Regine, na gumanap na ‘nanay’ niya.

Kaloka, ano kaya ang itsura ni Regine, bilang isang fan ni Regine, o bilang isang impersonator mismo ng sarili niya? (Dondon Sermino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More