Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Regine pasok sa listahan ng mga ‘Marites’

0 542

Tila kinumpirma ni Regine Velasquez na chismosa siya, o ‘marites’ sa tunay na buhay.

Nag-react at pinost talaga niya sa kanyang Instagram ang mga kumalat na pangalan na sabi-sabi ay ‘Top 39 Marites sa Pilipinas’.

At yes, kasama nga si Regine sa mga ‘marites’, ha!

“Alam nila!” sabi ni Regine.

Ka-level nga ni Regine ang mga chismosa rin na sina Aida, Lordes, Flor, Shirley, Linda, Beth, Kristina, Vicky, Roxanne, Nicole, Stephanie, Fely, Irene, Jean, Ester, Charlene, Bianca, Ronna, Perla, Rose, Geraldine, Marichu, Lanie, Vivian, Marisa, Grace, Susan Joyce, Danica, Jessa, Dolly, Valerie, Eva, Joceylyn, Carmela, Francisca, May, Nenita.

“Hahaha! Buti wala ako diyan!” sabi ni Vina Morales.

Ayaw namang maniwala ng mga fan ni Regine na ‘marites’ siya. Hindi raw totoo ang kumalat na listahan, dahil wala nga raw ang mga pangalang ‘Cristy’ at ‘Lolit’, ha!

Kaloka! Hahahahaha! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.