Una sa Balita

Regine pagod nang maging patola

By
0 27

Tinigilan na ni Regine Velasquez-Alcasid ang pagpatol sa kanyang mga basher sa social media. “I realized that it’s not good! Kasi most of them are kids so bakit mo pa papatulan? Ang happiness lang nila ay umupo at mang-bash ng mga tao so ibinigay na lang natin,” katwiran ni Reg sa huling interview sa kanya.

Natututo na raw siya ngayong kahit slow ang kanyang learning process.

“Hindi ako sanay dito eh kasi, wala naman ito nu’ng time natin. So I think hindi naman ako nag-iisa. Maraming artista na naninibago set up ngayon. Maraming nabago at nag-evolve na ang showbiz dahil sa social media,” katwiran pa ni Songbird.

Umiiwas na lang magbasa ng bashing si Reg para hindi uminit ng kanyang ulo. Kaya kapag may nabasa siya, ire-report niya muna at saka bina-block! “Pumapatol ako minsan just to correct but I will not have that exchange. Gaya ng may nagsabi minsan na si Nate ay mongoloid nu’ng toddler pa siya.

Tinama ko lang ang politically correct na salita, down syndrome pero aalagaan ko pa. Madalas ang patol ko tungkol sa family ko at hindi sa akin,” sey pa niya.

Anyway, simula na ng grand celebration ng 30th anniversary concert ni Regine at ngayong gabi ang concert niyang R3.0 sa SM Mall of Asia Arena kung saan isasabay rin ang paglabas ng three-volume niyang album.