Una sa Balita

Regine: Paano ang Pinoy kung walang Cardo, Vice Ganda, KathNiel?

0 678

Sunod-sunod ang pana­wagan, pagtutol ng mga Kapamilya star sa pamamagitan ng social media sa balitang isasara na ang ABS-CBN 2.

Nauna na nga si Coco Martin, Gerald Anderson, Kim Chiu, Angel Locsin. At heto nga ngayon sina Regine Velasquez, at iba pa.

“Paano ako kakanta kung walang ASAP??? Totoo bang magsasara na ang ABS CBN?

Isa po ito sa mga tanong ng nakakarami. TOTOO PO!!!! Anong ibig sabihin nito??? Hindi na po natin mapapanood si Cardo!!! Hindi na natin malalaman pa kung ano ang mangyayari sa Love Thy Woman at iba pang teleser­yeng napalapit na sa puso nating lahat.

“Hindi na natin makikita si Sarah umawit at yumugyug sa saliw ng TALA.

Hindi na natin makikita sila Mori, Ange, KZ, Moi, Jona at iba pang magaling na manga-awit bumirit ng libre.

“Hindi na tayo matatawa kay Alex. Hindi na tayo mapapatawa at mabibigyan ng kasiyahan ni Vice Ganda!!!! Hindi na tayo makaka-discover ng mga bagong mang­a-awit, bagong idolo. Na makapagbabago sa buhay ng mga napakatalentong kabataan natin.

“Hindi natin mapapanood ang LizQuen at MayWard. Higit sa lahat wala ng balita at importanteng impormasyon tayong mapapanood.

“Alam kong sasa­bihin nyo meron pa namang iba networks. Tama kayo and akin lang naman diba parang tinanggalan tayo ng kalayaang pumili ng gusto natin mapanood? Maganda rin na may pinagpipilian ka dahil alam ng networks yun kaya pinagbubuti talaga ang bawat palabas na mapapanood nating. Higit pa dun may laya ang bawat mamamayan pumili kung ano ang makapagpapasaya sa kanila. Ang ibig sabihin TAYO ANG PANALO dahil ito ay LIBRE.

“Bagamat ako po ay bago pa lang naninirahan sa tahanang ito ako naman po ay itinuturing totoong kapamilya. Naliligalig din po ako dahil nakasasalay din po ang aming kabuha­yan sa ABS CBN. Naisip ko tuloy… na kung ako ay naliligalig pano pa ang iba na dito talaga nakasalalay ang buhay nila at pamilya nila.

“Siguro hindi natin maaramdaman agad pag wala at tuluyan na ngang isara ang network. Pero sa kalaunan mararamdaman natin na tayo pala ay natanggalan ng KARAPATAN. Siguro maliit na bagay ito para sayo pero sa amin personal ito.”

Cherry Pie humi­ngi ng dasal para sa Kapamilya

Nanghikayat naman ng dasal para sa Kapamilya network si Cherry Pie Picache sa kanyang Instagram account. Nakapaskil sa IG ng ma­galing na aktres ang letter of invitation na maglaan ng panalangin tuwing alas-12:00 nang tanghali araw-araw para huwag matuloy ang tulu­yang pagpapasara ng controversial network.

Nakasulat sa letter ang laman ng dapat na panalangin para sa ipinaglalabang pana­natili sa ere ng estasyon.

Angeline nagbantang bubulagin ang basher

Nagbirong gustong bulagin ni Angeline Quinto ang isa niyang basher na umakusa sa kanyang nagbubulag-bulagan siya.

Isang Twitter account name na Noel Forts o @CardsNoelForts ang nag-comment kay Angeline sa kasagsagan ng panawagan na huwag ipasara ang Kapamilya network.

“Deadma ba talaga girl? O nagbubulag bulagan ka lang.”

Sumagot si Angeline na nasa mood na pabiro;

“Dati na try ko na magbulag-bulagan sa ibang bahay. Keri na ‘yun. Ikaw na try mo na Mabulag ng literal? Try ko sayo?” kasunod ang nakadilang emoticon.

“Bakit po atat na atat kayo na mapasara ang istasyon na ito? Pero ang mga problema ng Pilipinas deadma kayo?”

“Ipaglalaban po namin ang estasyon na nagbigay ng magandang buhay sa Pamilya namin. Kaya Kapamilya di po ba?” sabi pa ni Angeline.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More