Una sa Balita

Regine, Ogie magkalaban sa Feb. 16

0 487

abante-anything-goes-jun-lalinAlthough may sarili siyang Va­lentine’s concert, ang “Master of Love” sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, makakapanood pa rin daw si Ogie Alcasid ng “The Songbird and The Songhorse” concert ng misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid at ni Vice Ganda.

Three nights naman kasi ang concert ng Asia’s Songbird, kaya sa February 15 ay nandoroon si Ogie.

“Then sa February 16, hahabol ako kasi manggagaling ako sa mall show ko sa Trinoma. Malapit lang naman ang Trinoma, kaya aabot ako,” sabi ni Ogie nang makausap ko kahapon.

Magkatapat man ang kanilang concerts, walang problema ‘yon sa mag-asawa dahil hanggang sa ganoon na lang ang tapatan nila ngayon dahil noong nasa magkaibang TV stations pa sila ay nagkakatapat pa nga ang ibang shows nila.

Nakakatuwa nga pala na kahit si Martin Nievera ay pino-promote ang Valentine’s concert ni Ogie kahit na may sarili rin itong concert sa araw na ‘yon with Lani Misalucha, ang “Timeless Classics” na sa PICC naman ang venue.

Sa isang social media post nga ni Martin ay nag-good luck siya kay Ogie para sa “Master of Love.”

Wala nga sa kanila ‘yung mga ganoong kompetisyon dahil magkakaibigan sila. Kung noon ay magkakasama sila, ngayon naman ay magkakatapat ang Va­lentine’s concerts nila, pero who knows, next year lang ay sila-sila na naman ang magkakasama?!

Ang maganda, walang si­raan sa kanila at nananatili ang friendship nilang lahat!

Aktres imbiyerna sa mga nang-indian sa b-day ng mga anak niya

Tama ba ang narinig ko na disappointed ang isang actress-mother dahil maraming nag-yes na pupunta sa birthday party ng dalawa niyang anak, pero may mga nag-confirm na hindi naman sumipot?

Sa speech nga raw ni actress-mother sa party na ‘yon ay pabirong nag-dialogue siya ng “belat” sa mga biglang hindi nagsipunta roon. Sabi naman ng isang um-attend sa party na ‘yon, “rude” raw na matatawag ‘yung mga nag-confirm, pero hindi naman sumipot doon dahil puwede namang nakapag-invite na lang sana si actress-mother ng ibang mga gustong um-attend.

Pero sa ganda at saya ng party ng mga anak ni actress-mother, ang mga bigla na lang na hindi sumipot doon ang nawalan at masasabing hindi sila kawalan doon, huh!

Well…

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy