Una sa Balita

Regine, Ogie, Arjo nanguna sa ‘Kapamilya Walk of Faith’

0 370

Sa wakas ay nabigyan ng pagkakataon ang ABS-CBN na dinggin ang kanilang hiling na franchise renewal na matagal nang nakatengga sa House of Representatives. Rason ng Kamara, hindi nila ito priority sa ngayon kaya’t hindi nila ito inaasikaso.

Buti na lang at itinulak ni Sen. Grace Poe ang isang public hearing sa Senado kahapon upang makuha ang side ng dumarami at lumalakas na sigaw upang hindi matuloy ang pagsasara ng ABS-CBN.

Present sa hearing ang President at CEO ng Dos na si Carlo L. Katigbak, habang nasa audience si Miss Charo Santos.

Sa loob naman ng ABS-CBN compound ay inilunsad ang “Kapamilya Walk of Faith” na isinisigaw ang malayang pamamahayag at pagdepensa sa broadcast workers ng network na napipintong mawalan ng trabaho. Ilan sa mga dumalo ay ang mag-asawang sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez, mga host ng “Magandang Buhay” na sina Melai Cantiveros, Jolina Magdangal at Karla Estrada at cast ng “Pamilya Ko” gaya nina Sylvia Sanchez, Joey Marquez, Arjo Atayde, JM de Guzman at Maris Racal.

Ang latest info, sa Mayo 4, 2020 pa raw mag-e-expire ang prangkisa ng ABS-CBN, ayon kay DOJ Sec. Menardo Guevarra. Sinabi pa umano ng kalihim na kahit lumampas na sa deadline ay maaari pa ring ipagpatuloy ang pagbo-broadcast ng Dos basta’t may naka-file naman na application for franchise renewal sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Kahit papaano ay nakakahinga na nang maluwag ang mga solid Kapamilya sa mga development na ito. Nagbubunga talaga ng maganda kung sama-sama at nagtutulungan sa iisang layunin. (Jun Lopez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More